Home IN PHOTOS Comelec, malls sanib-pwersa sa ‘Register Anywhere Program’

Comelec, malls sanib-pwersa sa ‘Register Anywhere Program’

Larawan kuha ni Crismon Heramis

MANILA, Philippines- Muling pumirma sa isang Memorandum of Agreement ang Commission on Elections (Comelec) para sa gagawing “Register Anywhere” program.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nasa tatlong malls ang kanilang magiging partner para mas lalo pang mapataas ang bilang ng mga botante. Aniya, sa kabuuan ay nasa 170 na ang bilang ng malls na kanilang makakatuwang sa pagpaparehistro kung saan umaasa si Garcia na madaragdagan pa ang bilang ng mga makikibahagi sa naturang programa. Crismon Heramis

Previous articleDICT: Tsina handang makipagtulungan sa pagtalop sa cyberattacks  
Next articlePassport appointments inaasahang papalo sa pre-pandemic levels ngayong 2024