Home NATIONWIDE Comelec naghihintay na lang ng pormal na liham mula sa Kamara sa...

Comelec naghihintay na lang ng pormal na liham mula sa Kamara sa pagbibitiw ni Edvic Yap

167
0

MANILA, Philippines – Naghihintay na lamang ang Commission on Elections (Comelec) ng pormal na liham mula sa Kamara hinggil sa pagbibitiw ni ACT-CIS party-list Representative Edvic Yap.

Sinabi ni Poll chief George Erwin Garcia na ang liham ng deklarasyon ay magbibigay-daan sa Comelec na opisyal na ma-certify ang party-list nominee na papalit kay Yap.

Pakiusap ni Garcia, dapat ipadala na agad ang sulat upang makakilos agad ang Comelec at makapag-certify.

Si Yap, isa sa mga mambabatas na sangkot sa flood control scandal, ay nagbitiw sa kanyang puwesto bilang miyembro ng House of Representatives.

Sa pamamagitan ng written communication, ipinaalam ni Yap sa plenaryo ang kanyang pagbibitiw na binasa naman sa sesyon nitong Miyerkules, Pebrero 4.

Ang ACT-CIS party-list ay nakakuha ng dalawang upuan sa ika-20 Kongreso, matapos makakuha ng 1,239,930 boto sa May midterm elections.

Sa kasalukuyan, si Rep. Jocelyn Tulfo ang kinatawan ng party-list sa Kamara kasama si Yap.

Ang listahan ng mga nominado ng ACT-CIS na isinumite sa Comelec ay pinangalanang Jeffrey Soriano bilang kanilang ikatlong nominado. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here