Home NATIONWIDE Comelec naglunsad ng data privacy handbook

Comelec naglunsad ng data privacy handbook

1
0

MANILA, Philippines – Inilunsad ng Commission on Elections (Comelec) ang kauna-unahan nitong data privacy handbook sa Manila Cathedral nitong Martes, Agosto 11 upang palakasin ang proteksyon ng voters’ information.

Ayon kay Comelec chairperson George Garcia, layon ng data privacy handbook na siguruhing ang bawat empleyado ay may gabay sa tamang paghawak ng impormasyon sa komisyon.

“Para ma-emphasize sa lahat ng manggagawa ng Commission on Elections na dapat pahalagahan ang data privacy lalo pa pinagkatiwalaan tayo ng halos 7M na kababayan natin ng kanilang iba’t ibang datos lalo na kapag nagpapa-rehistro sila,” sinabi ni Garcia.

“So ibig sabihin dapat iniingatan namin yan, pinoprotektahan niyan at the same time hindi dapat ito nagagamit sa kung saan-saan lamang,” dagdag pa.

Ang data privacy handbook ay ipamamahagi sa lahat ng opisina ng Comelec.

Ang paglikha ng data privacy handbook ay nag-ugat sa insidente noong 2016 kung saan na-hack ang database ng Comelec at nagresulta sa pagkalat ng personal information ng mga rehistradong botante.

Sa kasalukuyan ay naghihintay pa ang Comelec ng approval ng Department of Information and Communications Technology sa plano nitong pagbubukas ng Precint Finder website para sa kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

“Meron tayong muli Precint Finder (for BARMM elections na io-open) dalawang linggo bago tayo mag election bagama’t ang Comelec mag didistribute na ng Voters Information Sheet,” sinabi ni Garcia. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here