MANLA, Philippines – Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kabataang botante na bumoto at pumili ng mahusay na susunod na lider ng bansa.
Binigyang diin ni Chairman George Erwin Garcia, bakit hindi magawa ng mga kabataan na malakas pa ang katawan at hindi naman nakakulong kumpara sa mga PDL at nakatatanda na makaboto.
Hamon ni Garcia – kung may reklamo sa mga nangyayari at sa gobyerno, sa halip na magrebolusyon o magprotesta, bakit hindi na lamang bumoto ng mga nararapat sa puwesto.
Ayon kay Garcia, bumoto nang tama at hindi batay sa kasikatan o sa kilig na nararamdaman sa mga kandidato.
Ang campaign period para sa tumatakbo para sa national positions ay magsisimula sa Pebrero 11 hanggang Mayo 10, 2025 habang ang local na kandidato ay pinapayagang mangampanya simula Marso 28 hanggang Mayo 10,2025.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)