Home IN PHOTOS Commonwealth Market ininspeksyon ng DTI at DA

Commonwealth Market ininspeksyon ng DTI at DA

MANILA, Philippines – Sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, kasama si Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel at Department of Trade and Industry Secretary Ma. Cristina Roque, ay nagsagawa ng inspeksyon sa Commonwealth Market sa Quezon City bilang bahagi ng DTI-DA Joint Market Monitoring ngayong Miyerkules, Pebrero 12, 2025.

 

Layunin ng pagbisita na tiyakin ang patas na presyo ng bigas, gulay, at produktong manok, habang pinangangalagaan ang kapakanan ng mga mamimili.

Sinubukan rin nila ang “Timbangan ng Bayan” upang masiguro ang tamang bigat ng mga produkto at maiwasan ang pandaraya sa timbangan. Danny Querubin