MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Embahada ng Estados Unidos sa Pilipinas ang kanilang consular operations ngayong Miyerkules, Hulyo 23 sa gitna ng pag-ulan sa National Capital Region (NCR).
Sa abiso ng embahada, nananatiling sarado ang Consular Section para sa US citizen services at visa appointement dahil sa patuloy na sama ng panahon.
Ayon pa sa abiso, ang kaligtasan ng Consular staff, U.S. citizens at visa applicants ay kanilang prayoridad.
Sa mga nakaiskedyul na appointment ngayong Hulyo 23, pinapayuhan na i-check ang kanilang registered email address para sa detailed scheduling instructions.
Ang offsite Visa Application Center naman sa Paranaque City ay mananatiling bukas ngayong araw, Miyerkules para sa lahat ng naka-iskedyul na biometrics appointments.
Samantala, sinabi ng embahada na ang mga visa applicants na may naka-skedyul na alalahanin ay maaaring tumawag sa customer service center ng embahada sa (02) 8548-8223 0 (02) 7792-8988 para sa agarang tulong. Jocelyn Tabangcura-Domenden