Home NATIONWIDE Crackdown sa mapang-abusong lending firms magsilbing babala sa iba – Gatchalian

Crackdown sa mapang-abusong lending firms magsilbing babala sa iba – Gatchalian

284
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian nitong Martes, Hulyo 15, na ang paglusob sa isang online lending firm sa Pasig City ay magsisilbing malakas na babala sa iba pang mapang-abusong operator sa buong bansa.

Matatandaan na isinagawa ang raid ng National Bureau of Investigation (NBI), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Securities and Exchange Commission (SEC), at Philippine National Police’s Anti-Cybercrime Group (ACG).

“I applaud the swift, coordinated efforts of the NBI, PAOCC, SEC, and ACG for their successful raid against an abusive online lending company in Pasig. The crackdown should serve as a warning to predatory OLAs (online lending applications): Panahon na para kayo naman ang singilin!,” saad sa pahayag ni Gatchalian.

Dito muling iginiit ng senador ang kanyang panawagan na buwagin ang mga OLA na nanghaharass, namamahiya at nanloloko sa pangongolekta ng mga utang.

“Patuloy kong isusulong ang tuluyang pagbuwag sa mga mapang-abuso, mapanirang-puri, at mapanlinlang na online lending apps na lumalaganap sa buong bansa,” aniya.

Sinabi pa ni Gatchalian na patuloy niyang ipapanawagan ang pagpasa ng just debt collection law na layong magkaroon ng mas mahigpit na regulasyon, magpataw ng mabigat na parusa sa mapang-abusong OLAs, at tapusin ang exploitative practices ng mga ito.

Nangako rin siya na magsisikap ito upang mapanagot ang mga kompanya na lumalabag sa karapatan at dignidad ng mga nangungutang. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here