Home METRO Cremation, urn at tulong pinansiyal, binigay ni Mayor Lacuna sa pamilya ng...

Cremation, urn at tulong pinansiyal, binigay ni Mayor Lacuna sa pamilya ng mga nasawi sa sunog sa Binondo

110
0
(c) Celestino Bantigue Gilbert

MANILA, Philippines – IPINAHAYAG ng lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na nai-cremate na ang sampu sa 11-katao na nasawi sa naganap na sunog sa isang establisyemento sa Binondo, Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Nabatid sa Manila Department of Social Welfare and Development (MDSW) na pinamumunuan ni Dir. Re Fugoso, sinagot lahat ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang gastos sa serbisyo ng punerarya gayundin ang awtopsiya at pag-cremate sa mga bangkay ng mga nasawing biktima ng sunog.

Napag-alaman din na binigyan pa ni Mayora ng P15,000 cash ang pamilya ng mga nasawing biktima para sa burial at transportation allowance ng mga ito dahil karamihan sa kanila ay galing pa sa kani-kanilang probinsiya.

Nabatid pa kay Fugoso na maging ang “urn” na pinaglagyan ng mga abo ng mga biktima ay sinagot na din ng alkalde at pinabigyan pa nito ang pamilya ng mga biktima ng tig-dalawang kahon na food box.

Napag-alaman na ang dalawang biktima na kinilalang sina Apprentice Seaman ASN Ian Paul Fresado at Mark Anthony Hernandez, na kapwa miyembro ng Philippine Coast Guard, ay kapwa dadalhin ang kanilang mga abo sa tanggapan ng PCG upang mabigyan sila ng parangal bago dalhin sa kanilang probinsiya sa Bicol.

Ang iba pang nai-cremate na biktima ay nasa kani-kanila nang pamilya at nakauwi na sa kanilang probinsiya. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here