Home HOME BANNER STORY Criminal, administrative charges inirekomenda ng DPWH vs Romualdez, 86 iba pa

Criminal, administrative charges inirekomenda ng DPWH vs Romualdez, 86 iba pa

303
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni DPWH Secretary Vince Dizon na kasama si dating Speaker Martin Romualdez sa mga inirekomendang kasuhan ng kriminal at administratibo kaugnay pa rin sa maanomalyang flood control projects.

Sa isinagawang year-end prescon, sinabi ni Dizon na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang hakbang para mahabol at mapanagot ang mga indibidwal na sangkot sa palpak na flood control projects sa bansa.

Sa ngayon, sinabi ni Dizon na 87 indibidwal na ang inirekomendang kasuhan ng plunder, malversation of public funds, graft, bribery at iba pa dahil sa sabwatan sa palpak na proyekto.

Binigyang-diin ni Dizon na hindi nangangahulogan na ligtas na sa pananagutan ang mga nagretiro o nagsaoli ng pera dahil sila ay kailangan pa ring managot.

Nakasuhan na rin ang 23 habang 9 ang nadakip at 7 ang nakakalaya na patuloy na pinaghahanap kung saan nasa 90 tauhan ng DPWH ang nasuspindi at nasampahan ng kasong adminsitratibo.

Inihayag ng kalihim na aabot na sa P150 milyun ang naibalik na pera mula sap flood control project pero inaasahan na marami pa sangkot ang magbabalik ng pondo na ninakaw sa kaban ng bayan.

Aniya, iba pa ito sa P48 milyun na kinits sa luury cars na naibenta sa ginawang publoc auction ng Bureau of Customs (BOC).

Bukod dito, nasa P13 bilyun na assets ang nagawa nilang maipa-freeze sa Anti-Money Laundering Council kasama na dito ang 4,679 na bank accounts ng mga sangkot sa flood control project anomaly. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here