Home ENTERTAINMENT Cristy at Ogie, may reaksyon sa demanda ni Bea!

Cristy at Ogie, may reaksyon sa demanda ni Bea!

Manila, Philippines- Nahaharap ngayon sa kasong cyber libel sina Cristy Fermin at Ogie Diaz na isinampa ni Bea Alonzo.

Pareho man ng asuntong dapat sagutin ay magkaiba ang “take” ng mga nasabing respondents.

As for Cristy, tinanggap niya ang legal action ng aktres.

Karapatan naman daw ‘yon ninoman kung paanong iginiit ni Cristy na bahagi ng propesyon ng mga mamamahayag ang maghatid ngbukat tungkol sa sinumang artista, sa maganda man o pangit na sitwasyon sila nalalagay.

Inihalintulad ni Cristy si Bea at mga artista sa isda sa loob ng aquarium who are under public scrutiny.

Halatang na-off lang si Cristy dahil tila burado nang lahat kay Bea ang ginawa niyang pagtatanggol sa aktres sa ‘di na mabilang na pagkakataon.

Dapat daw ay marunong munang lumingon si Bea sa mga ito kasabay ng pasasalamat.

Nire-reserve muna pansamantala ni Cristy ang pagbibigay ng opinyon ukol sa kaso hangga’t hindi pa raw niya nababasa ang kopya mula sa korte.

Gayunpaman, nagpamalas ng pagiging palaban si Cristy sa pamamagitan ng kahandaang harapin ang demanda.

Aniya patungkol kay Bea: “We’ll see you in court!”

Samantala, humihingi naman ng paumanhin si Ogie sa mga kabaro sa press dahil hindi niya napagbigyan ang mga ito na gustong kumuha ng kanyang reaksyon ukol sa demanda ni Bea.

Gayunpaman, nangako si Ogie na handa siyang paunlakan ang mga ito sa takdang panahon.

Inihingi rin ni Ogie ng dispensa na dahil sa demanda ng Kapuso actress ay “na-upstage” o natabunan ang dapat sana y moment na tinatamasa ng kaibigan niyang si Vhong Navarro.

Hangad pa rin daw ni Ogie na magkatuluyan sina Bea at Dominic Roque.

With Bea’s legal action, may bearing kaya ito para makatulong sa kanyang showbiz career? Ronnie Carrasco III