Home METRO Cyber warrant ipadadala sa 7 suspek sa Iloilo bomb threats

Cyber warrant ipadadala sa 7 suspek sa Iloilo bomb threats

265
0

MANILA, Philippines – Naghain ang Iloilo City Police Office (ICPO) ng cyber warrant para sa pitong social media accounts na kaugnay ng bomb threat sa mga paaralan sa lungsod.

Bahagi ito ng 20 accounts na iniimbestigahan kasama ang Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) 6.

Layunin ng warrant na tukuyin kung iisa o iba-ibang tao ang may-ari ng accounts.

Binigyang-diin ng pulisya ang pangangailangan ng kooperasyon ng mga paaralan.

Noong Nobyembre, naiulat ang 73 bomb threat sa Western Visayas at may dalawang suspek na kasalukuyang kinakaharap ang kaso. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here