Home ENTERTAINMENT D.O. ng EXO naghahanda na sa ilalabas na solo album!

D.O. ng EXO naghahanda na sa ilalabas na solo album!

SOUTH KOREA – Naghahanda na ang K-pop star na si D.O. ng EXO para sa kanyang solo album na planong ilabas ngayong 2024.

Ito ang kinumpirma ng agency ni D.O. na Company Soosoo, matapos lumabas ang mga artikulong nagsasalaysay ng plano ni D.O. ngayong taon kasama na ang solo comeback.

“It’s true that he’s currently preparing for a new album with the goal of releasing it in the first half of the year,” sinabi ng agency ni D.O.

“However, no specific details have been finalized at the moment,” dagdag pa niya.

Matatandaan na inilabas ni D.O. ang kanyang extended play na “Expectation” noong 2023.

Maliban sa singing career, napanood din si D.O. sa isang space film na “The Moon.” RNT/JGC

Previous articleTricycle driver kritikal sa rambulan sa Caloocan
Next articleLotto Draw Result as of | January 3, 2024