Home NATIONWIDE DA, BOC kinalampag ni Kiko vs onion smuggling: ‘Anihan na po’

DA, BOC kinalampag ni Kiko vs onion smuggling: ‘Anihan na po’

246
0

MANILA, Philippines – Habang papalapit ang anihan ng sibuyas ng lokal na magsasaka, mahigpit na nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa  Department of Agriculture (DA) at Bureau of Customs (BOC) na paigtingin ang kampanya laban sa pagpupuslit ng produktong agrikutural na unti-unti pumapatay sa kabuhayan ng ating amgbubukid.

Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, food and agrarian reform, na lubhang nakababahala ang illegal na pagpupuslit ng produktong agricultural dahil dinudurog nito ang kabuhayan ng lokal na magsasaka at minamanipula ang presyo sa pamilihan.

“The  influx of smuggled onions during harvest periods has historically resulted in depressed farmgate prices, causing significant losses for Filipino onion growers,” ayon sa senador.

Nagbabala din ang mambabatas laban sa posibleng hoarding ng produkto at manipulasyon ng mercado na maaaring magdulot ng mas mataas na presyo at tubo na magpapahirap sa consumer.

“Bilang nalalapit na ang harvest season ng sibuyas, dapat nating tiyakin na protektado ang ating mga magsasaka laban sa hindi patas na kompetisyon sa mga imported at smuggled na sibuyas. Kasabay rin dito ang posibleng pagiimbak ng mga sibuyas ng mga onion cartels para patuloy na manipula ang presyo ng sibuyas,” aniya.

“The illegal entry of agricultural produce at this critical time defeats the purpose of supporting local agricultural production and jeopardizes the livelihood of our farmers,” giit ng senador.

Binanggit ng senador ang paglalantag ng Estriktong monitoring sa lahat ng ports of entry at mahigpit na koordinasyon sa ilang kinauukulang ahensiya ng pamahalaan upang masugpo ang pagpupuslit ng produktong agricultural sa pagpasok sa lokal na pamilihan.

Nakatakdang anihin ng lokal na magsasaka ang kanilang pananim na sibuyas na magsisimula sa Pebrero hanggang Mayo na sasamantalahin ng illegal importers upang bahain ang mercado ng puslit na produkto na magpapabagsak sa presyo at makakakit sa lokal na magsasaka.

“Strengthening border controls and ensuring transparency in importation policies are essential to stabilizing prices for consumers while safeguarding the income of local farmers,” aniya. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here