Home NATIONWIDE DA chief, nakiramay sa pamilya ng Senior Citizen na nasawi sa pila...

DA chief, nakiramay sa pamilya ng Senior Citizen na nasawi sa pila ng P20 Rice

89
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pakikiramay si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. nitong Huwebes sa pamilya ng 73-anyos na senior citizen na nasawi habang naghihintay bumili ng P20 kada kilo na bigas sa tanggapan ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa Quezon City.

Nasawi ang matanda matapos mabangga ng isang mabilis na sasakyan na umakyat sa sidewalk habang nakapila siya. Ang BAI ay isang ahensya sa ilalim ng Department of Agriculture.

“Nakita ko yung litrato. Nakita ko ‘yung video. Nakikiramay ho kami sa pamilya ng nasawi,” ayon kay Tiu Laurel.

Sinabi rin ng kalihim na nagpadala na siya ng tulong at emissary sa pamilya ng biktima.

“Yesterday, nagpadala na ako ng tulong at emissary. Personal assistance [ko ito],” dagdag niya.

Nangako rin si Tiu Laurel na pag-iigihin pa ang pagpapatupad ng bentahan ng P20 kada kilo na bigas upang masiguro ang kaligtasan ng mga mamimili.

“We’ll see how we can improve the safety of our consumers who are buying the P20 per kilo rice. The demand for it really increased because of the oil crisis,” ani ng Agriculture chief. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here