MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules na nananatiling matatag ang presyo ng produktong agrikultural sa kabila ng epekto ng Severe Tropical Storm Crising at habagat.
“Wala tayong nakikitang malaking pagtaas ng presyo ngayon, kahit sa gulay,” ayon kay DA spokesperson Arnel de Mesa, na nagsabing normal ang daloy ng produkto at bukas ang mga pangunahing ruta.
Nasa 6,703 metric tons o ₱212.6 milyon ang pinsala sa sektor ng palay na sumasaklaw sa 14,842 ektarya, habang ₱82.63 milyon naman ang pinsala sa high-value crops tulad ng gulay, prutas at root crops.
Dagdag niya, mabilis na makakabawi ang mga high-value crops at walang naitalang malaking pagkaantala sa suplay. Santi Celario