MANILA, Philippines – Posibleng tumaas muli ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo matapos magpatuloy ang paggalaw paitaas ng presyo sa world market sa ikatlong araw ng trading.
Batay sa unang tatlong araw ng trading, umabot na sa:
P1.90 kada litro ang dagdag sa diesel
P0.75 kada litro ang dagdag sa gasolina
P0.20 kada litro naman ang bawas sa kerosene






