Home SPORTS Dahilan bakit nawala si Ancajas sa Pacman undercard

Dahilan bakit nawala si Ancajas sa Pacman undercard

258
0

MANILA, Philippines – Matatandaang hindi nakasama si dating world champion Jerwin Ancajas sa undercard ng laban nina Manny Pacquiao at Mario Barrios sa MGM Grand sa Las Vegas.

Ito’y sa kabila ng matagal na pagsasanay niya kasama ang Filipino boxing legend.

Ayon kay MP Promotions president Sean Gibbons, hindi pumasa sa Nevada Athletic State Commission ang ilang potensyal na kalaban ni Ancajas, kaya hindi siya nabigyan ng laban sa takdang petsa.

Nakatakda sana si Ancajas na lumaban kasama nina Mark Magsayo at Eumir Marcial bilang bahagi ng tatlong Pilipinong boksingero sa undercard.

Nagwagi si Magsayo kontra Jorge Mata sa isang unanimous decision, habang si Marcial ay nagtala ng third-round TKO laban kay Bernard Joseph.

Sa kabila ng pagkaantala, magbabalik na rin si Ancajas sa lona sa Agosto 2, laban kay Ruben Dario Casero ng Panama at gaganapin ang kanilang sagupaan sa Thunder Studios sa Long Beach, California.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here