Home ENTERTAINMENT Dahilan ng pag-atras ni Lian sa annulment kay Paolo, inilabas!

Dahilan ng pag-atras ni Lian sa annulment kay Paolo, inilabas!

Manila, Philippines- Sa kabila ng pagkakaroon na ng sariling buhay, sa ilalim ng batas ay nananatiling mag-asawa pa rin sina Paolo Contis at Lian Paz.

Matatandaang 2009 nang ikasal ang dalawa.

Pero taong 2012 nang maghiwalay rin.

That same year ay nag-file ng annulment si Paolo.

Pero ibinasura ng korte ang kanyang petisyon noong 2014.

Sa kagustuhan ni Lian na mapawalang-bisa ang kanilang kasal, pinursige niya ito sa Marikina Regional Trial Court noong 2021.

Pero nitong March 24 ay iniatras ni Lian ang kanyang petsyon.

Ayon sa panayam ng PEP sa kanya, kakapusan umano ng mga kaukulang katibayan at legal hassle na rin ang dahilan para iatras niya ito.

Sa loob ng kanilang maikling pagsasama’y nagbunga ‘yon ng dalawang anak, sina Xalene at Xonia.

May kanya-kanya na ring buhay ang dating couple.

Bale tumatayong ama ng kanilang mga anak ay si John Cabahug to whom Paolo is indebted.

Iniisip na lang ni Lian na may purpose kung bakit ganoon ang sinapit ng kanilang annulment case.

Samantala, tulad ng alam ng lahat ay nakatagpo na rin si Paolo ng bagong karelasyon sa katauhan ni Yen Santos.

Taliwas naman ito sa pagkakaalam ni Mommy Lilian, ina ni Yen, na naninindigang hindi naging si Paolo at ang kanyang anak.

But even then, tulad ni Lian who can’t marry her present partner ay malabo ring pakasalan ni Paolo si Yen gustuhin man niya o nilang dalawa.

Of late, nabalitang break na sina Yen at Paolo.

‘Yun ay kung ang gagawing basehan ay ang pag-unfollow ni Yen kay Paolo sa social media.

Consistent naman si Paolo sa kanyang “No comment!” na sagot nang tanungin ng press sa mediacon ng kanyang latest movie kamakallan. Ronnie Carrasco III