Home METRO Dalaga natagpuang-patay sa septic tank sa Ilocos

Dalaga natagpuang-patay sa septic tank sa Ilocos

209
0

MANILA, Philippines – Bangkay na nang matagpuan ang isang 19-anyos na dalaga sa loob ng ginagawang septic tank ng ipinapatayong bahay sa Santa Maria, Ilocos Sur nitong Lunes, Hulyo 7.

Ayon sa imbestigasyon, nakipag-inuman umano ang biktima sa mga kaibigan nito sa Barangay Tinaan.

Kalaunan ay nakita na lamang ang katawan nito sa ginagawang septic tank.

May nakita rin umanong bakas ng dugo sa katawan nito ngunit hindi pa matukoy kung ano ang dahilan ng pagkamatay ng biktima.

Sa ngayon ay hindi pa rin alam kung nahulog ba o sinadya ang pagpatay sa dalaga kaya isasailalim ito sa autopsy.

Nasa kustodya na ng pulisya ang dalawang nakainuman ng dalaga habang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here