Home ENTERTAINMENT Damit ni Lakam, naligaw sa bazaar ni Kim!

Damit ni Lakam, naligaw sa bazaar ni Kim!

1
0

Manila, Philippines – Sumakses si Kim Chiu sa nakaraan niyang Closet Bazaar 2026, selling her pre-loved items.

Sa halip nga na tumakbo ito nang three days, inabot lang ito nang isang araw.

Nagkaubusan na kasi ng paninda–as in sold out!

Eh, dagsain ba naman ‘yon ng mga fans ng TV host-actress, ‘no!

But this is not the catch.

May mga ilang damit kasi ng Ate Lakambini ni Kim ang naligaw at napasama sa stuff ng Chinita Princess.

Ang siste, may namakyaw daw ng mga ito at isinoli mismo ng buyer kay Lakam!

Sey ng isang netizen: “Naloka ‘yung mga bumili kasi damit ng Ate Lakam niya. Pinakyaw tapos ibinalik sa ate ni Kim!”

Paano nalaman?

Hindi daw kasi ka-size ni Kim ang mga damit, namukhaan pang kay Lakam ang mga ‘yon.

Hindi ba tsinek man lang ni Kim ang mga paninda niya, o baka naman noong time na ‘yon ay okey pa silang mag-ate?

Lest we forget, inireklamo ni Kim si Lakam on money issues.

‘Katawa! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here