Home ENTERTAINMENT Daniel, hinulaang magkakaanak na!

Daniel, hinulaang magkakaanak na!

235
0

Manila, Philippines – Magiging tatay na ba si Daniel Padilla kahit wala pa siyang asawa?

Ayon sa hula para sa batang aktor, sa second quarter daw ng taong ito ay magkakaanak siya. Hindi lang binanggit kung sa kasalukuyang girlfriend niya na si Kaila Estrada manggagaling ang kanyang magiging anak.

So, baka sa ibang babae, ‘di ba?

Nakikita rin daw sa baraha ng psychic na posible rin daw na ikasal sina Daniel at Kaila next year.

Pero bago raw maganap ang kasalan ng dalawa, magkakaroon nga raw muna ng baby si Daniel.

Ang tanong, kung totoo ang hula, sino kaya ang ina ng magiging baby ni Daniel? At kung ikakasal na nga sina Daniel at Kaila at may baby na ang aktor, ibig bang sabihin niyon ay tatanggapin ni Kaila ang anak sa ibang babae ng aktor?

Abangan natin kung magkakatotoo ang hula.

— Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here