Home SPORTS Danny Kingad babawi kay Moraes

Danny Kingad babawi kay Moraes

Inamin ni Danny “The King” Kingad na nabulag siya sa mga maliwanag na ilaw sa unang pagkakataon na sumagupa siya kontra kay flyweight great Adriano Moraes noong 2017, na nagresulta sa pagsusumite sa kanya sa loob ng isang round.

Ngayon, nangangako siyang manatiling nakatutok at babalikan ang dati niyang tormentor kapag muli silang magsagupa sa stacked ONE 169: Malykhin vs. Reug Reug event sa Nobyembre 9 sa loob ng Lumpinee Stadium sa Bangkok, Thailand.

Tanggap na umano niya ang kanyang huling laban kay Moraes, naniniwala si Kingad na naging mas mahusay siya mula noon at nangangako na magiging handa para sa Brazilian sa pagkakataong ito.

“I’m highly motivated for this fight. Marami akong natutunan at naranasan sa paglipas ng mga taon. Alam ko na ang ginagawa ko ngayon,” sabi niya.

“This time, when we’re in the circle alam ko na kaya ko siyang talunin unlike before wherein I got shocked because it was just my third fight. Naniniwala ako at nakakuha na ako ng championship bout laban sa kanya. Sa ngayon, nakatutok talaga ako. Handa na ako para sa kanya.”