Manila, Philippines – Ayon sa Pambansang Ginoo na si David Licauco, hindi naman siya maikukunsiderang ultra-rich.
Gayunpaman, nasa estado raw siya na puwede na siyang mabuhay nang kumportable sa loob ng maraming taon.
Katunayan, sipag at tiyaga raw ang naging puhunan niya kung anuman ang naabot niya sa kasalukuyan sa kanyang karera at negosyo.
Tungkol naman sa kanyang pamilya na suportado siya, hindi raw naniniwala ang mga ito na ang dapat makatuluyan niya ay kalahi nila o may Chinese descent.
Mas importante raw kasi sa girl na hinahanap niya ang aligned sa kanyang values sa buhay.
Sa panayam sa Fast Talk with Boy Abunda, inamin din niya na ang bet niyang babae ay isang morena, na ipinapalagay na pagkukumpirma na hindi niya bet si Barbie Forteza.
Hanap din daw niya sa isang dyowa ay iyong aalagaan siya.
Turn off daw naman siya sa maarte o vain.
Sey pa niya, galante raw siya, madiskarte, maangas at maharot in his own way.
Guilty din daw siya sa na-scam na siya at nakipag-date na sa babaeng mas matanda sa kanya.
Inamin din niya, may na-ghost na rin daw siyang bebot.
Sa lahat ng ito, sinabi rin niya na open pa siya na muling makatrabaho si Barbie kahit may separate silang projects outside of their loveteam BarDa. Archie Liao