Manila, Philippines – Napabalita noon ang posibleng pagsasama nina David Licauco at Kathryn Bernardo sa isang proyekto nang sighted sila sa isang event.
May mga nagtataas naman ang kilay nang kumalat ang ganoong tsika.
May mga nagmamaldita ngang nagsasabing magpaka-aktor muna raw ang Pambansang Ginoo bago nito pangaraping makasama si Kath sa isang proyekto.
Sa isang panayam, nahingan naman ni Ogie Diaz ang Kapuso actor ng pahayag sa akusasyong ginagamit umano nito si Kathryn.
Paliwanag ni David, nagpapakatotoo lang umano siya sa kanyang sarili dahil bata pa lamang ay idolo na niya ang aktres.
Nilinaw din niya na hindi siya nakikipagkumpentensiya kina Alden Richards at Jericho Rosales sa atensyon ni Kathryn.
“Hindi naman sa sasakay ako or something. I think I’m just being true to myself na siguro like I was looking up to her before. Noong bata ako, siya iyong pinapanood ko.
“So actually, dun sa interview na I had, e, talagang sinabi ko lang kung ano ‘yung dream ko,” paliwanag niya.
Hirit pa niya, hindi rin daw siya nag-iilusyon dahil sinasabi lang niya kung ano ang pangarap niya.
*Doesn’t mean that it will happen, doesn’t mean naman na It might happen. I’m just saying kung ano ‘yung dream ko talaga,” dagdag niya. Archie Liao