Home HOME BANNER STORY DDS template ipinresenta ng pari sa Senate probe

DDS template ipinresenta ng pari sa Senate probe

168
0

MANILA, Philippines – Nagkasagutan sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at isang pari, na nagtatag ng organisasyon para sa mga pamilya ng biktima ng drug war, sa imbestigasyon ng Senado kaugnay sa mga pagpatay sa drug war ng nakaraang administrasyon, nitong Lunes, Oktubre 28.

Tumestigo sa harap ng Senate blue ribbon committee si Fr. Flavie Villanueva at sinabing nasa 3,600 ang napatay sa unang 100 araw ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa opisina. Sa katunayan aniya ay 39 agad ang napatay sa unang araw nito.

Ipinakita ng pari ang listahan ng mga pangalan ng mahigit 300 umanong EJK victims kung saan ang mga pamilya nito ay lumahok sa Program Paghilom.

Ipinresenta rin ni Villanueva ang “DDS template” na ginaya umano ng dating Pangulo sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.

Kapansin-pansin aniya ang apat na elemento na makikita sa mga katawan ng drug war victim.

Una ay ang isa hanggang tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P200 kada sachet.

Ikalawa ay ang palatandaan ng torture at isang .38 caliber na walang serial number. Mayroon din itong
“Dirty feet.”

Samantala, umamin si Villanueva na maging siya ay gumamit ng illegal na droga sa loob ng 15 taon at nagkaroon siya ng period of relapse habang siya ay nasa seminaryo.

“Hindi ko po sinasangayunan ang mga adik sa dahilang 15 taon rin ako gumamit at kaya ko pinasok ang ganitong pagtatanggol sa mga inakusahan ng adik, naniniwala ako na may pag-asa sila. Hindi dapat paslangin o pasabugin ang bungo,” sinabi ng pari.

Bilang tugon sa testimonya ni Villanueva, tinanong ito ni Dela Rosa kung ilang mga kaso na ang naihain niya kaugnay sa mga tinutukoy na EJKs.

Sa kabila nito, sinuportahan naman ng panel chair na si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang pari at sinabing ang pulis ang dapat na naghahain ng kaso.

“Responsibility nga ng police, Mr. Chair, pero sila ang nag-imbestiga… Kung hindi siya tumulong, para ma-file ang kaso na ‘yan, halata na ang ginagawa niya puro propaganda. Nagpo-propaganda lang siya. Nagsasabi siyang ganon, hindi pala siya interested na makuha ang hustisya, hindi niya finollow up sa pulis kung kasuhan na itong mga g*go na ito,” sagot ni Dela Rosa.

“I for one, I want justice to be served. Lalo na ‘yung mga inosente na pinatay. Dapat talaga Father…baka mas pwede pa akong maging pari kung tutuusin kasi gusto talaga,” dagdag pa.

Idinipensa rin ng senador ang kanyang pahayag na “sh_t happens” noong 2019 kasunod ng pagkamatay ng tatlong taong gulang na batang babae sa drug buy-bust operation sa Rodriguez, Rizal.

Ani Dela Rosa, walang perpektong operasyon at wala ring kontrol ang pulisya sa paligid.

“Sa amin sa police, sa military, during operations, when you don’t have complete control of the operational environment, you expect sh_t happens. ‘Yun nga nangyari na. Namatay ang bata, tinamaan ang bata. Talagang for me, for us, sh_t happens. Nangyari ‘yun. So, what’s the fuss?”

“Ang problema lang sa inyo Father, you’re trying to capitalize my words para for propaganda purposes. That’s very bad, Father. Masama po ‘yan. ‘Wag niyong gamitin…you don’t take the word out of context para i-propagandize ang isang issue,” dagdag pa ni Dela Rosa.

Bilang tugon, itinanggi ni Villanueva ang alegasyong propaganda ng mambabatas.

“Hindi po uso at hindi nasa bokabularyo ko ang pagbo-blot ng katotohanan at pagpo-propaganda. Ito po’y ginawa ko sapagkat bago pa magkaroon ng patayan sa nagdaang administration meron na tayong isang lugar na nagka-kalinga,” sinabi ng pari. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here