Manila, Philippines – Lumaki na nang lumaki ang isyu sa pagitan ng sikat na banda from Mindanao na Elias JTV band at ng kanyang estrange business manager na si Beverly Labadlabad.
FYi ay umabot na sa demandahan ang isyu ng dalawang partido.
As we all know, si Atty. Israelito Torreon ang legal counsel ng Elias JTV at si Atty. Ferdinand Topacio naman ang kay Beverly.
Malaki ang hukbo ng mga followers ni Elias at ni Beverly. At dahil dito, isa sa itinuturing na top defender ni Beverly ay isang OFW sa Malaysia, si Mindalyn Pisucan Lumbong.
Si Mindalyn ay tubong Davao Oriental na ngayon ay nasa Malaysia.
Nagsimula ang bangayan nina Mindalyn at Atty. Torreon nang nag-focus ang nasabing abogado sa una.
“Sa akin talaga naka-focus si Atty. Torreon dahil sinisita ko ang maling gawain ng grupo nila.
“Isa na sa sinita ko ay ‘yung pag-post ng partner ni Atty. Torreon na si Ms. Ronalyn, na sinasabing approved na raw ang US visa ni Elias kasama ang kanyang banda, kahit na alam nila sa sarili nila na na-deny ito sa una nilang pag-apply.
“Sinabi ko rin na diumano ay sinimulan na noon ng US side ang pagbenta nang ticket sa concert kahit alam nila ang totoong sinapit ng application ng US visa nina Elias at ng kanyang banda.
“Sinabihan ko noon si Madam Ronalyn na maganda siya at sexy at hindi kami magka-away.
“Ang sa akin lang, sana ay ‘wag na siyang sumali sa gulo sa pagitan ni Beverly at ni Elias JTV.
“Oo, kapartner nga ni Ms. Ronalyn si Atty. Torreon pero mali po kasi ang kanyang ginawa nang nag-post siya sa sicmed ng maling information kahit alam niya kung ano ang totoo. Ito nga ‘yung sa hindi magandang sinapit ng US visa application ng banda.
“Simula noon ay naging mainit na ang mata ng grupo nina Atty. Torreon sa akin kahit na ang lahat ng sinasabi ko ay totoo,” mahabang salaysay ng defender ni Beverly.
Sinabi rin ni Ms. Mindalyn na mas lalo raw lumala ang tension sa pagitan ng dalawang partido dahil mahilig daw maparinig si Atty. Toreon kay Beverly.







