MANILA, Philippines – NAKATAKDANG magpulong sina Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr. at kanyang American counterpart, Department of Defense (DOD) Secretary Pete Hegseth sa March 28.
Ang nasabing pulong ay magaganap sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
Ito ang first in-person meeting sa pagitan ng dalawang defense chiefs, kasunod ng phone call noong Pebrero.
Sa nasabing phone conference, binati ni Teodoro si Hegseth sa kanyang appointment bilang DOD chief. Kapuwa naman nagpahayag ng kumpiyansa ang dalawang opisyal na mas palalimin pa ang defense ties ng dalawang bansa.
Sa naging talumpati ni Teodoro sa Puerto Princesa, Palawan-based Western Command’s 49th founding anniversary, araw ng Lunes, sinabi ng Kalihim na ang kanyang pakikipagpulong kay Hegseth ay nakatuon sa pagpapahusay sa ugnayan sa pagitan ng Maynila at Washington D.C.
“In a few days, my counterpart, the Honorable Pete Hegseth, Secretary of Defense of the United States of America will pay a visit to the President (Ferdinand R. Marcos Jr.) and to myself where we will discuss ways to enhance our bilateral and trilateral and squad partnerships,” ang sinabi nito.
Samantala, nito lamang March 22, sinabi ng US DOD na bibisita si Hegseth sa Pilipinas matapos ang kanyang byahe sa Hawaii at Guam. Matapos ito ay ba-byahe naman siya papuntang Japan. Kris Jose