MANILA, Philippines – Natapos na ng House of Representatives ang plenary deliberations sa panukalang P7.2-trilyong 2027 General Appropriations Bill (GAB), matapos aprubahan ang mosyon na tapusin ang sponsorship at debates sa House Bill No. 10858.
Naganap ito noong Biyernes, Setyembre 25, matapos suriin ng House Committee on Appropriations sa loob ng 11 araw ang proposed budgets ng 240 departamento, ahensya at government-owned and controlled corporations (GOCCs), pati 113 state universities and colleges (SUCs).
Sakop ng deliberasyon ang edukasyon, agrikultura at food security, higher education, social protection, kalusugan, enerhiya, transportasyon at imprastraktura, kabilang ang project evaluation, implementation capacity at accountability measures.
Naantala lamang sa una ang budget ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), Philippine Statistics Authority (PSA) at Department of Information and Communications Technology (DICT), ngunit nang muling isalang sa plenaryo ay natapos din ang talakayan.
Kasunod nito, isasagawa sa susunod na linggo ang Budget Amendments Review Sub-Committee (BARSc), kung saan isasama ang mga realignment sa 2027 budget. Pinalitan nito ang dating “small committee” na nagsasagawa ng amendments sa likod ng closed doors.
Inaasahang maipapasa sa second at third reading ang 2027 GAB sa unang bahagi ng Oktubre. Itinakda naman ni Appropriations Committee Chairperson Rep. Mikaela Angela “Mika” Suansing ang Oktubre 9 bilang target para sa third reading.
Bago tuluyang tapusin ang debate, sinabi ni Minority Leader Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan ang turno en contra ng minority bloc, kung saan inilahad ang kanilang mga isyu at pangamba sa panukalang budget. Walang tumutol sa mosyon para tapusin ang deliberasyon.
Sa huling araw ng debate, tinalakay ni Suansing ang lump-sum funds at iginiit ang karagdagang safeguards, malinaw na reportorial requirements at koordinasyon sa Department of Budget and Management (DBM).
Binigyang-diin din niya na ang P111.984 bilyong unprogrammed appropriations ay katumbas ng humigit-kumulang 1.6% ng kabuuang expenditure program, na aniya’y pinakamababang ratio sa loob ng mahabang panahon.
“It’s also noteworthy that the current level of unprogrammed appropriations, as stated in the 2027 NEP, is the lowest in terms of the unprogrammed appropriations-to-total-expenditure-program ratio. Ito po ang pinakamababang unprogrammed appropriations level sa mahabang panahon. Dahil po, ’yun din po ang pananaw ng DBM: kapag programmable siya, identifiable po siya, nilalagay po nila sa programmed appropriations instead of unprogrammed appropriations,” ani Suansing.
Samantala, sinabi ni Rep. Zia Alonto Adiong na gagamitin ang proposed budget ng Department of Finance (DOF) para suportahan ang revenue generation, fiscal discipline, debt management at pagpapalakas ng fiscal capacity ng mga lokal na pamahalaan.
“The government is working hard to meet the projected national revenue of P5.21 trillion, equivalent to 15.7 percent of GDP (gross domestic product) in 2027. This aggressive revenue mobilization is essential to our fiscal consolidation strategy, which seeks to deliberately reduce our national deficit from 5.4 percent of GDP in 2026 to 5.1 percent in 2027, and steadily down to 3.49 percent by 2030,” ani Adiong.
Mas mababa ng 3.5% ang proposed DOF budget kumpara sa 2026 allocation, na binubuo ng P28.64 bilyong new appropriations at P3.40 bilyong automatic appropriations.
Ang P7.2-trilyong proposed budget para sa 2027 ang pinakamalaki sa kasaysayan ng bansa. Ayon kay Suansing, layunin ng House na balansehin ang fiscal situation ng bansa at ang mga pangunahing pangangailangan sa lipunan at ekonomiya.
“Our goal over the course of these deliberations is to craft a 2027 budget that would accelerate growth despite this challenging fiscal landscape, which would give due consideration and prioritization to the pressing needs of our most salient social and economic sectors,” ani Suansing.
Dagdag pa niya, “Matibay po ang paninindigan ng inyong Kongreso na tanggalin ang tabing sa usaping budget at talagang ipakita kung saan napupunta ang bawat piso ng buwis na mula sa dugo at pawis ng bawat Pilipino.” RNT/MDS