Home NATIONWIDE Deliberasyon ng P785.20M budget ng OVP natapos ng walang tanong

Deliberasyon ng P785.20M budget ng OVP natapos ng walang tanong

1
0

MANILA, Philippines – Mabilis na natapos ng House of Representatives ang deliberasyon sa panukalang P785.20 milyon na budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2027 matapos walang mambabatas na nagtanong tungkol dito.

Hindi dumalo si Vice President Sara Duterte sa plenary deliberations at nanatili siyang wala sa House floor habang tinatalakay ang panukalang budget ng kanyang tanggapan. Kinatawan naman ng OVP si Assistant Secretary Lemuel Ortonio.

Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, walang miyembro ng House minority bloc ang humiling na magtanong tungkol sa proposed spending plan ni Vice President Sara Duterte. Nagmosyon din ang minority na tapusin na ang deliberasyon.

Sinang-ayunan ito ng majority bloc kaya natapos ang talakayan sa plenaryo wala pang isang minuto matapos itong magsimula.

Mas kalmado ang naging deliberasyon kumpara sa mga naging budget hearing ng OVP nitong mga nakaraang taon.

Ang panukalang budget ng OVP para sa 2027 ay 11.69% na mas mababa kumpara sa P889.23 milyon na natanggap ng tanggapan ngayong taon. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here