MANILA, Philippines – Tiniyak ng Philippine Postal Corporartion (PHLPost) nitong Martes, Hulyo 22 sa publiko na nagpapatuloy ang mahahalagang mail delivery operations sa kabila ng malakas na pag-ulan at malawakang pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan o Habagat.
Sinabi ng PHLPost na patuloy ang paghahatid ng mahalagang dokumento, government communications, at relief-related correspondence sa mga lugar kung saan ligtas itong gawin, na kinikilala ang mahalagang papel ng komunikasyon sa panahon ng mga emerhensiya.
Ang Central Mail Exchange Center (CMEC) ay nananatiling fully operational na may mga calamity protocol.
Nagpapatuloy ang serbisyo ng koreo sa mga hindi apektadong lugar habang ang mga postal team ay aktibong sinusubaybayan ang mga lokal na kondisyon upang ipagpatuloy ang mga nasuspindeng serbisyo sa lalong madaling panahon.
Binigyang-diin ng PHLPost na ang kaligtasan ng mga letter carrier at tauhan nito ay nananatiling pangunahing prayoridad.
Isinasagawa ang postal oepartion sa pakikipag-unayan sa mga lokal na disaster response units at ginagabayan ng mahigpit na mga protocol sa kaligtasan upang maprotektahan ang mga mangagagwa at ang sulat na ipinagkatiwala sa kanila.
Umapela ang ahensya sa publiko ng pang-unawa sa mga lugar na nakararanas ng hindi inaasahang delay at inulit ang kanilang pangako na magserbisyo sa mga Filipino kahit pa sa ilalim ng mapanghamon kalagayan. Jocelyn Tabangcura-Domenden