Home NATIONWIDE Delivery rider pinagbabaril na, ninakawan pa ng motor sa Cavite

Delivery rider pinagbabaril na, ninakawan pa ng motor sa Cavite

MANILA, Philippines – Sugatan ang isang delivery matatapos pagbabarilin ng riding in tandem matapos magdeliver ng lechon at tinangayan pa ng motor sa Brgy. Palico 4, Imus City, Cavite.

Ginagamot ngayon sa Medical Center of Imus City ang biktma na dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa mga suspek na magkaangkas sa isang kulay itim na motorsiklong Honda Click.

Sa ulat, bandang alas-4:30 kamakalawa ng hapon tumigil at nagpahinga sa gilid ang kalsada ang biktima ng nasabing lugar matapos nakapag-deliver ng lechon gamit ang kanyang Honda na kulay pula na motor.

Ilang sandali lang nang tumigil din ang sinakyang motorsiklo ng mga suspek, naglabas ng baril at tinutukan ang biktima at kinukuha pa kanyang gamit na.motor..

Sa takot ng biktima, kumaripas ito ng takbo subalit binaril siya ng tatlong beses ng mga suspek

Ayon kay PoliCe Lt. Colonel Louie Dionglay, nagsasagawa sila ng backtracking sa Closed Circuit Television (CCTV) para sa pagkakakilanlan sa posibleng dinaanan ng mga suspek sa pagtakas. Margie Bautista