Home NATIONWIDE Demo run ng Metro Manila Subway itinakda sa 2028, full ops sa...

Demo run ng Metro Manila Subway itinakda sa 2028, full ops sa 2033

227
0

MANILA, Philippines – Itinakda sa 2028 ang demo run ng Metro Manila Subway habang ang full operations naman ay inaasahan sa 2033.

Sa briefing sa Palasyo, sinabi ni Press Officer Claire Castro na nakipagkita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr kay Transportation Acting Secretary Giovanni Lopez para pag-usapan ang pagpapagaan sa paghihirap ng mga commuter.

“Nagbigay naman ng direktiba si Pangulong Marcos Jr. sa kalihim na gawing prayoridad ang kapakanan ng commuters, panatilihing malinis at maaliwalas ang mga pasilidad, at siguruhing reliable at on-time ang mga tren sa lahat ng oras,” ani Castro.

“Inaasahang magsisimula na ang partial operations ng North-South Commuter Railway sa 2027 para sa rutang Valenzuela hanggang Malolos, Bulacan at 2028 naman para sa ruta ng Malolos hanggang Clark,” dagdag ni Castro.

“2027 din ang target na partial operations ng MRT 7 na magdurugtong sa Quezon City at Bulacan.”

Samantala, ipinanukala rin ng DOTR ang pagpapahaba sa validity ng bagong car registration ng limang taon.

“Sa parehong meeting kasama ang Pangulo ay iminungkahi din ni Secretary Lopez na gawing five years ang validity ng registration ng mga bagong sasakyan – isang reporma na malaki ang dalang ginhawa para sa ating mga motorista,” dagdag pa ni Csatro. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here