Home OPINION ‘DEMOTION’ KAY GEN. TORRE, PWEDE NGA BA?

‘DEMOTION’ KAY GEN. TORRE, PWEDE NGA BA?

309
0

BAGO ang lahat, kasama tayo sa mga bumabati kay Justice Secretary Jesus Crispin ‘My Bossman’ Remulla, sa pagkatalaga sa kanya bilang ika-7 Ombudsman ng bansa.

Sa kabila ng mga batikos at kritisismo, naniniwala tayong gagampanan ni Ombudsman Remulla ang kanyang bagong trabaho ng matapat, may takot sa Panginoon at malaking respeto sa ating mga batas.

Sa simula pa lamang, naniniwala tayong si Bossman ang karapat-dapat na maupong Ombudsman, period!
***
Halos dalawang buwan na ngayon sapul nang alisin sa pwesto si dating Philippine National Police Chief PGen Nicolas Torre III noong Agosto 26, halos tatlong buwan lang matapos siyang maitalaga noon buwan ng Hunyo.

Ipinalit sa kanya bilang ‘Acting Chief PNP’ si Gen. Jose Melencio Nartatez ang ‘last PMA graduate’ (Class of 1992) na hahawak sa poder bilang lider ng pambansang pulisya.

Parehong sa Marso 2027 pa magreretiro si Torre at Nartatez at sakaling hindi mapilit si Torre na mag ‘early retirement,’ saglit lang hahawakan ni ‘General Tateng’ ang kanyang ika-4 na estrelya– walong araw, dahil magreretiro si Torre sa Marso 11, 2027 at Marso 19 naman si Nartatez.

Batay nga kasi sa batas, “isa” lang dapat ang ‘4-star general’ sa PNP– si General Torre sa ngayon.

Sabi ng NAPOLCOM, “vested with full legal authority” si Nartatez na gampanan ang kanyang bagong posisyon, pero marami ang “hindi komportable” sa sitwasyon, sa totoo lang.

“Pinangakuan” si Torre ng bagong posisyon (para kumalma) pero parating na ang Kapaskuhan, wala pa rin. Anyare?

May “nagbulong”naman sa atin na “pinag-aaralan” umano kung “pwede” na ibaba ng ranggo (demotion) si General Torre para “bumilis” ang proseso at maibigay na ang ikaapat na estrelya ni Nartatez?

‘Remove for cause’ (insubordination) si Torre kaya siya sinibak at pwedeng ito rin umano ang batayan sa kanyang demotion.

Ano sa palagay ninyo, dear readers?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here