Home NATIONWIDE Dengue cases sa Pinas tumaas

Dengue cases sa Pinas tumaas

MANILA, Philippines- Nakikitaan ng patuloy na pagtaas ng bilang kaso ng dengue sa bansa ngayong panahon ng tag-upan matapos pumalo sa 18,000 noong Hulyo, base sa pinakahuling datos ng Departmemnt of Health (DOH).

Kabuuang 18,349 kaso ang naitala mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 13 na mas mataas kumpara sa 12,153 kaso mula Hunyo 16-29.

Ang Western Visayas, Central Visayas, Cagayan Valley at Calabarzon ang nagkaroon ng tuloy-tuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa anim na linggong yugto hanggang Hulyo 27.

Taon-taon, sinabi ng DOH na ang mga kaso ay tumatalon ng 33 porsyento mula 97,211 kaso noong 2023 sa 128,834 kaso ngayong 2024.

Gayunman, sinabi ng DOH na mas kaunti ang pagkamatay dahil sa dengue ngayong taon na nasa 337 kumpara sa 378 pagkamatay sa parehong panahon noong 2023.

Muli namang nagpaalala ang DOH sa publiko na sundin ang 4S strategy laban sa dengue—ang Search and destroy breeding places; Secure self-protection; Seek early consultation; at Support fogging o spraying sa hotspot areas lalo na ngayong panahon ng tag-ulan. Jocelyn Tabangcura-Domenden