Manila, Philippines – Burado na ang post ni Dennis Padilla sa kanyang Instagram account tungkol sa pagmamarakulyo niya sa wedding ng anak na si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo.
Duda ng netizens, binura ni Dennis ang post niya regarding nabudol sya sa wedding ng kanyang anak pagkatapos ng interbyu ni Ogie Diaz kay Marjorie Barretto.
Pero baka naman nauna nang i-delete ni Dennis ang post niya tungkol sa budul-budol na yan pagkatapos niyang mag-deklara na parang tinatapos na niya ang relasyon niya sa kanyang mga anak.
Anyway, it was revealed na si Claudia pala ang nag-desisyon na huwag na siya ihatid sa altar ng kanyang ama at mag-isa na lang siyang maglalakad sa aisle.
But it turned out, hinila ni Claudia si Marjorie para samahan siya lumakad sa aisle.
Baka naman ito ang ikinagulat ni Dennis.
Bakit nandun si Marjorie gayung sinabi na sa kanya na walang maghahatid kay Claudia sa altar na parent niya, same with the groom’s parents. Kaya siguro nakapag-react si Dennis na nabudol sya.
Siguro kung tinuloy na lang ni Claudia ang sinabi niya na solo lang siyang maglalakad sa aisle, baka tumahimik na lang si Dennis at waley nang rant sa socmed. Julie Bonifacio