Home ENTERTAINMENT Dennis, nag-bday greeting kay Claudia, binarag!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Dennis, nag-bday greeting kay Claudia, binarag!July 30, 2025 17:242500 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Barag na barag si Dennis Padilla sa mga netizen makaraang batiin niya ang anak na si Claudia Barretto sa kaarawan nito.Burado na sa Instagram ang birthday greeting ng komedyante kay Claudia nitong July 26.Post ni Dennis: “Happy birthday, Claui.. God bless you more!”Ipinaalala kasi ng mga netizens ang ginawang pamamahiya niya sa anak ng ikasal ito noong April this year.Bale reaksyon ‘yon ni Dennis sa aniya’y pambabastos sa kanya bilang supposed father of the bride.Sa sobrang galit nga ni Dennis ay isinumpa niya ang kanyang mga anak hanggang kamatayan.Sa mismong burol na lang daw siya dalawin ng mga ito, basta magdala ng kape’t biskwit.Huling pagkakataon na rin daw ‘yon ng pag-e-emote niya.Binalikan ‘yon ng mga matandaing netizens at ipinamukha kay Dennis: “Akala ba namin, tapos na?!”Si Dennis nga naman daw kasi ang tumapos ng relasyon sa mga anak, ano’t nagpapapansin na naman siya?May mga dumepensa naman sa komedyante.Anila, pinatotohanan lang daw nito na walang sinumang magulang ang kayang tiisin ang anakGanoon nga ba ‘yon, Mr. Baldivia? Ronnie Carrasco III