Home NATIONWIDE DENR secretary sa mga residente: Philippine eagles alagaan

DENR secretary sa mga residente: Philippine eagles alagaan

MANILA, Philippines – Umapela si Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga sa mga residente ng Barangay Kagbana, isang bulubunduking barangay sa Burauen, Leyte na alagaan ang mga Philippine eagle.

Nitong Biyernes, Hunyo 28 ay pinakawalan ang dalawang batang agila na pinangalanang “Uswag” at “Carlitos” na ikinokonsiderang makasaysayan dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na inilipat ang mga ibong ito mula sa isang rehiyon patungo sa iba pang rehiyon.

Ang dalawang Philippine eagle (Pithecophaga jefferyi) ay mula sa Davao City-based Philippine Eagle Foundation at inilipat sa Burauen bilang bahagi ng hakbang para padamihin ang agila sa Leyte.

“I hope they will also value the great gift that they have in terms of having the eagles here,” sinabi ni Loyzaga sa isang panayam.

Ayon kay Mayor Juanito Renomeron, karaniwang nakikita ang mga agila bago ang pananalanta ng Super Typhoon Yolanda.

“Rest assured, we will take care of the Philippine eagles and we will not do harm to these lovely creatures. We are just overwhelmed that they are with us,” anang alkalde.

Kumuha naman ng nasa 20 forest guards upang imonitor ang mga agila na mayroong global positioning system.

Nagpasalamat si Loyzaga kay House Speaker at Leyte Rep. Martin Romualdez sa pag-apruba sa species-specific budget na layong protektahan at pangalagaan ang ilan sa mga endangered species ng bansa katulad ng Philippine eagle.

Aniya, inaprubahan ni Romualdez ang kanilang hiling na P100 milyong budget para sa pagsuporta sa kanilang hakbang para protektahan at panatilihin ang limang threatened o endangered species.

Kabilang dito ay ang Philippine eagle, tamaraws in Mindoro, marine turtles, Philippine cockatoo, at dugong.

“For instance, there are only 392 pairs of Philippine eagles (Pithecophaga jefferyi) remaining in the wilds of the country,” ani Loyzaga.

“Speaker Romualdez ensured that the species-specific budget will be incorporated into our 2024 budget,” dagdag pa niya.

Ipinaliwanag ni Loyzaga na ang bawat species ay makatatanggap ng alokasyon na P20 milyon.

“The needs for each species are very specific, so careful review is needed to assess their status and determine their priority requirements.”

“We hope that this marks the beginning of ongoing interest and support among our legislators for species conservation efforts,” pagtatapos niya. RNT/JGC