Home NATIONWIDE DepEd: 947 paaralan sapul ng lindol sa DavOr

DepEd: 947 paaralan sapul ng lindol sa DavOr

347
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Education (DepEd) na apektado ang operasyon ng 947 paaralan matapos ang magnitude 7.4 na lindol na tumama sa karagatan ng Manay, Davao Oriental nitong Biyernes.

Aabot sa 89,691 estudyante at 8,324 guro ang naapektuhan sa siyam na rehiyon, habang 137 estudyante at 49 guro o kawani ang nagtamo ng pinsala.

Tinatayang nasa ₱2.12 bilyon ang halaga ng pinsala sa 548 paaralan, ayon sa DepEd.

“Disaster Risk Reduction (DRR) coordinators and engineers continue to conduct rapid visual assessments of the damage,” pahayag ng ahensya, sabay sabing patuloy ang koordinasyon sa Education Cluster at Regional DRRMC upang mapalakas ang pagtugon sa kalamidad.

Dagdag ng DepEd, humigit-kumulang 97% ng mga apektadong paaralan ang nagdeklara ng kanselasyon ng klase. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here