Home NATIONWIDE Deportation ng 24 Pinoy mula US ‘di dahil kay Trump – DFA

Deportation ng 24 Pinoy mula US ‘di dahil kay Trump – DFA

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Foreign Affairs na hindi si US President Donald Trump ang dahilan ng pagkaka-deport ng 24 Filipino mula sa Estados Unidos.

Ayon kay DFA undersecretary Eduardo de Vega, ang mga ito ay kinasuhan na sa panahon pa lamang ng sinundan ni Trump na si dating US President Joe Biden.

“Hindi po si President Trump ang nagpa-deport sa kanila. Hinuli sila, kinasuhan sila, panahon pa ni Biden,” ani De Vega sa panayam sa radyo.

“Nagkataon lang na presidente na si Trump nang sila ay ma-deport,” dagdag niya.

Sinabi naman ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na ang mga ito ay nadeport dahil sa kaugnayan sa kriminal na aktibidad.

Ani De Vega, napakaliit ng bilang na ito kumpara sa dalawang milyong Pinoy sa Estados Unidos.

“Sabihin natin 24 deported. Ilang milyong Pilipino ang nasa US? Two million. Ilan ang illegal? Maaaring 300,000. Ano yun? Napakakaunti,” anang opisyal.

“Naiintindihan namin kung nababahala ang mga Pilipino diyan, pero sa magandang paraan. Wag sila masyadong magpapansin sa dyaryo. Alam ko ang Philippine Daily Inquirer, it’s in English, eh di pwedeng basahin ‘yan ng US. Hinihingi mo eh, hindi na nga ikaw hinuhuli eh,” pagpapatuloy ni De Vega. RNT/JGC