MANILA, Philippines – Inihahanda ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang teknikal na pundasyon para sa mga flood management infrastructure na batay sa siyensya upang palakasin ang pangmatagalang paghahanda sa kalamidad sa buong bansa.
Ipinag-utos ni Public Works Secretary Vince Dizon ang pag-update ng lahat ng flood management master plans upang protektahan ang mga Pilipino mula sa matitinding pagbaha taon-taon.
Nakikipagtulungan ang kagawaran sa University of the Philippines – Project Nationwide Operational Assessment of Hazards o UP-NOAH, sa mga local government unit o LGU, at sa mga key partner agencies para isama ang detalyadong hazard mapping at scientific data bago ipatupad ang mga proyekto.
Layunin nito na matiyak na ang mga master plan ay tugma sa kasalukuyang realidad ng klima.
Batay sa mga flood management master plan ng DPWH, may mga detailed engineering design o DED na isinasagawa sa 10 lugar. Ito ay sa:
Apayao-Abulug River Basin sa Cordillera Region, Pampanga River Basin sa Central Luzon Bicol River Basin sa Bicol Region Panay River Basin sa Western Visayas , Jalaur River Basin sa Western Visayas,Buayan-Malungon River Basin sa Davao Region at Soccsksargen, Agusan River Basin sa Davao Region at Caraga, Agno River Basin sa Ilocos Region, Ilog-Hilabangan River Basin sa Western Visayas at Central Visayas, at Mindanao River Basin sa Northern Mindanao, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Ayon sa kagawaran, sa anim na lugar ay tapos na ang updated master plans at disenyo: Abra sa Cordillera, Tagoloan sa Northern Mindanao ,Cagayan de Oro sa Northern Mindanao, Agosto sa Northern Mindanao, Davao sa Northern Mindanao at Davao Region, at Tagum-Libuganon sa Davao Region.
Kasalukuyan ding ina-update ang mga master plan at feasibility study sa hindi bababa sa pitong lugar upang umayon sa kasalukuyang pangangailangan, tulad ng pagbabago sa daloy ng tubig at climate change.
Kabilang dito ang: Cagayan sa Cagayan Valley at Cordillera, Agno sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Cordillera , Metro Manila at mga karatig na lugar ( Pasig-Marikina/NCR Laguna Bay ), Davao sa Northern Mindanao at Davao Region , Ilog-Hilabangan sa Western Visayas at Central Visayas Mindanao sa Northern Mindanao, Soccsksargen at BARMM, at etro Cebu sa Central Visayas.
Samantala, ang mga sumusunod na master plan ay naipatupad na o kasalukuyang ginagawa: Tagoloan (natapos noong 2019); Cagayan (natapos noong 2019); Cagayan de Oro (natapos noong 2024); Metro Cebu (bahagyang natapos); Pampanga (natapos na ang Integrated Disaster Risk Reduction and Climate Change Adaptation Stage 1); DED ng Central Luzon Floodway (kasalukuyan); Metro Manila at mga karatig na lugar ( Pasig-Marikina/NCR Laguna Bay ) – kasalukuyang ipinatutupad ang Pasig-Marikina River Channel Improvement Project Phase IV; Tagum-Libuganon (may mga preparatory works na isinasagawa sa ilalim ng Integrated Flood Resilience and Adaptation Project Phase 1 o InFRA-1); Agus (may mga civil works na isinasagawa sa ilalim ng InFRA-1 Project); at Abra (may mga civil works na isinasagawa sa ilalim ng InFRA-1 Project).
Iniulat din ng DPWH na ang mga master plan ay nilikha na noong Nobyembre 1982 para sa Tagoloan, at hanggang Nobyembre 2022 naman para sa Pampanga at Bicol.
Ang master plan para sa Metro Manila at mga karatig na lugar (Pasig-Marikina/NCR Laguna Bay) ay nilikha noong Marso 1990; Cagayan (Agosto 1987); Abra (Hunyo 2018);Agno (Disyembre 1991); Apayao-Abulug (Hunyo 2018); Cebu (Hunyo 2015); Iog-Hilabangan (Hulyo 1991); Panay (Nobyembre 1985):Jalaur (Hunyo 2018); Mindanao (Marso 2017); Cagayan de Oro (Hunyo 2011):Agus (Hunyo 2018); Davao (Nobyembre 2018); Tagum-Libuganon (Hunyo 2018); Buayan-Malungon (Hunyo 2018); at Agusan (Mayo 2008). Jocelyn Tabangcura-Domenden