Home NATIONWIDE Detalye ng gustong libing isiniwalat ni Pope Francis

Detalye ng gustong libing isiniwalat ni Pope Francis

VATICAN – Ibinahagi ni Pope Francis sa panayam sa isang Spanish newspaper na nais niyang magkaroon ng ataul ngunit walang catafalque para sa kanyang funeral rites.

Sinabi rin ng Santo Papa na gusto niyang mailibing nang may dignidad tulad ng bawat Kristyano.

“It will be the last wake celebrated like that, with the pope’s body on show outside the coffin, on a catafalque” sinabi ni Francis habang inalala ang libing ng kanyang hinalinhan na si Benedict XVI noong Enero ng nakaraang taon.

Sinabi ng pontiff na nakipag-usap na siya sa pinuno ng mga seremonya at inalis ito at marami pang iba dahil ang ritwal ay overloaded.

Kinumpirma rin ng Papa na naglabas na siya ng instructions na ililibing siya sa St. Mary Major (Santa Maria Maggiore) Basilica, hindi tulad ng mga nauna sa kanya na lahat ay inilibing sa St. Peter’s.

Sinabi rin ng Papa na gusto niyang ihimlay sa isang silid kung saa itinago nila ang mga kandelabra.

Ayon sa Santo Papa, madalas siyang magtungo at magdasal sa Basilica nang siya ay Cardinal Jorge Mario Bargoglio mula Buenas Aires bago siya nahalal matapos ang biglaang pagbibitiw ni Benedict. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)