Home NATIONWIDE DFA ‘di pa magtataas ng Alert Level 4 sa Lebanon

DFA ‘di pa magtataas ng Alert Level 4 sa Lebanon

212
0

MANILA, Philippines – HINDI pa iniisip ng gobyerno ng Pilipinas na itaas ang alert level sa Lebanon.

Subalit ang Embahada nito sa Beirut na patuloy na nago-operate ay naka-standby lalo pa’t kung isasagawa ang mass repatriation.

Sa kabilang dako, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary for Migration Eduardo Jose De Vega na walang nasaktan na Filipino sa serye ng pag-atake ng Israeli laban sa Hezbollah sa Lebanon subalit marami ang nananatiling matigas ang ulo na manatili sa bansa.

“Since hostilities in Israel and Gaza began in October, we already were calling on them to go home voluntarily. So, far only around 500 returned,” ayon kay De Vega.

Para sa mga Filipino na walang kakayahan na umalis ng bansa dahil sa pagtanggi ng kanilang employers na i-release ang kanilang pasaporte, hinikayat ni Vega ang mga ito na kaagad na humingi ng tulong mula sa Philippine Embassy sa Beirut.

“This is a phenomenon that happens not just in Lebanon, pero kung saan-saan. What we can do, kung walang passport, we can always issue travel documents for them to go home,” aniya pa rin.

“It will be complicated to get the exit clearance if ayaw i-release ng employer (ang passport) but puwede pang laban and we could use our assistance-to-national fund or the DMW (Department of Migrant Workers) can use their own funds to pay for penalties,” aniya pa rin.

Ang Alert Level 4 o mandatory evacuation ay idinideklara lamang sa kaso ng large-scale internal conflict o kung ang host country ay nagdurusa na sa isang full-blown external attack.

Bukod dito, sinabi naman ni Foreign Affairs Deputy Assistant Secretary for Middle East Office Marlo Miranda, kinokonsidera ng DFA na itaas ang alert level sa pagtanggi ng mga Filipino na lisanin ang Lebanon.

“There’s another camp of OFWs who don’t want the Alert Level 4 to be raised because that would eventually meanhindi na sila makakabalik sa Lebanon kapag nagpa-repatriate sila,” ang sinabi ni Miranda.

“The lesser of two evils would bemag-o-operate tayo ng Alert Level 4 pero Alert Level 3 pa rin,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi ni De Vega na tinatayang may 11,000 Filipino sa Lebanon, may 90% ang kontra sa mandatory repatriation.

Samantala, ang updated na bilang ng Filipino na nakabase sa southern Lebanon mula 196 hanggang 272 subalit wala ni isa man sa mga ito ang nasa border o lugar na tinatarget ng Israel.

Sa 1,000 na naghihintay na umuwi ng Pilipinas, may 127 ang makakasama sa apat na repatriation flights na naka-iskedyul mula Oktubre 11 hanggang 28.

Inulit naman ni De Vega ang panawagan ng Pilipinas sa lahat ng kinauukulang partido na gumawa ng paraan at hakbang tungo sa pagpapagaan ng tensyon sa Gitnang Silangan.

“Under the principles of international humanitarian law, we don’t want innocent civilians hurt. The region has to be stable and also because there are over two million Filipinos in the region,” ang sinabi ni De Vega. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here