Home HOME BANNER STORY DFA: Mga Pinoy ligtas sa pinakabagong Houthi attack

DFA: Mga Pinoy ligtas sa pinakabagong Houthi attack

MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nasaktang Pilipino sa pinakabagong pag-atake ng Houthi sa isang oil tanker sa Red Sea.

Sa Saturday News Forum, inihayag ni DFA Undersecretary for Migration Eduardo Jose De Vega na bineberipika pa ng departamento kung mayroong Filipino crew sakay ng Panama-flagged Cordelia Moon nang atakihin ito ng Houthi drone vessel nitong Martes.

“Iyong sa latest attack, we’re checking kung may Filipinos sa ship na ‘yon. Luckily, walang Filipino, so far, sa latest act na alam namin,” wika ng opisyal.

Inilabas ng Houthis ang footage ng kanilang pag-atake sa Cordelia Moon, na tinamaan ng missiles at isang unmanned boat, sinabing bahagi ito ng kanilang operasyon laban sa “American and British ships.”

Base kay De Vega, binibigyan ang mga Pilipino ng opsyon na tumangging maglayag sa Red Sea, kung saan obligado ang manning agency na ipagbigay-alam sa seafarer na daraan ang kanilng vessel sa nasabing lugar.

Ang nasabing international trade route ay madalas atakihin mula nang sumiklab ang Israel-Hamas war noong Oktubre 2023, kung saan tina-target ng Houthi rebels ng Yemen ang Israel-linked commercial vessels. RNT/SA