MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), walang Pilipinong naapektuhan ng magnitude 6.0 lindol na yumanig sa silangang Afghanistan noong Agosto 31.
Lahat ng pitong Pilipino sa bansa ay nasa Kabul at wala sa mga matinding tinamaan na lugar tulad ng Jalalabad, Nangarhar, o Laghman.
“As of this time, there are no reports of Filipino casualties or injuries. No Filipino nationals are known to be in evacuation centers, and no evacuation orders have been issued,” saad sa pahayag ng DFA.
Nakipag-ugnayan na ang mga diplomat ng Pilipinas sa Pakistan at nakumpirmang ligtas ang mga ito.
Sinabi ng DFA na nananatiling mahirap ang pag-access sa mga lugar na tinamaan dahil sa landslide at matarik na daan, ngunit patuloy nilang imo-monitor ang sitwasyon at maglalabas ng abiso kung kinakailangan. RNT