Home METRO Di awtorisadong proyekto ng DPWH na ipinapatupad sa mga lungsod, inirereklamo ng...

Di awtorisadong proyekto ng DPWH na ipinapatupad sa mga lungsod, inirereklamo ng mga alkalde

297
0

MANILA, Philippines – Inireklamo ng ilang alkalde ang umano’y hindi awtorisadong proyekto na ipinatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa kani-kanilang lugar, ayon kay League of Cities in the Philippines national president at San Juan City Mayor Francis Zamora.

Sinabi ni Zamora na naglabas ng pahayag ang kanilang grupo na nananawagan sa mga ahensya na makipag-ugnayan sa mga Local Government Units (LGUs) dahil tila karaniwan nang nangyayari ang mga hindi awtorisadong proyekto.

“Ako po, pangarap ko bilang mayor ng San Juan, at alam kong pangarap ng kahit sinumang mayor, na tuluyan nang maging flood-free ang aming mga lungsod, at kami po talaga ang mas nakakaalam, ano ba ang mga lugar na binabaha at ano bang hakbang na gawin… So kung mabibigyan po ng pagkakataon na ang boses ng LGU ay mapapakinggan at yung pangangailangan namin ay mabanggit namin sa national government pagdating lalong-lalo na sa flood control projects, malaking bagay po yan,” saad niya.

“Base sa sentimyento ng mga kapwa kong mayor, napakarami po sa kanila ang nagsasabi na sa kani-kanilang mga lungsod at sa kanilang rehiyon ay bigla nalang po nagsisimula minsan ang DPWH ng mga proyekto ng di nakikipagugnayan sa LGU,” dagdag niya.

Ipinahayag ng League of Cities of the Philippines ang kanilang suporta sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isama ang mga LGU sa mga proyektong pinondohan ng pambansang pamahalaan.

“This directive is crucial in minimizing, if not eliminating, the inefficiencies that have long plagued large-scale infrastructure projects, particularly those undertaken by the Department of Public Works and Highways. Its reinstatement is a clear testament to the President’s growing trust in the capacity of LGUs as genuine partners of the national government in nation-building,” ayon sa pahayag.

“This policy shift will pave the way for more efficient and effective project implementation, optimal utilization of resources, and ultimately, enhanced public service delivery…. The League of Cities of the Philippines deeply values the trust bestowed upon us by the President. As one united front, let us rise to the challenge and serve as true agents of transformative change for the benefit of the Filipino people,” dagdag nito.

Nagkaroon ng 1,058 flood control projects sa National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Marcos Administration, na nagkakahalaga ng kabuuang P52.66 bilyon, ayon sa datos mula sa sumbongsapangulo.ph website.

Sa mga rehiyon, pumapangalawa lamang ang NCR sa Rehiyon 3 kapwa sa dami ng mga proyekto at gastos sa kontrata. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here