Home NATIONWIDE ‘Di pagdalo sa Senate plenary personal na desisyon ni Marcoleta

‘Di pagdalo sa Senate plenary personal na desisyon ni Marcoleta

55
0

MANILA, Philippines – Personal na desisyon umano ni Senador Rodante Marcoleta na huwag dumalo sa plenary session.

Kasabay nito ay sinabi ni Marcoleta na tinaasan ng boses ni Interior Secretary Jonvic Remulla si Senate President Alan Peter Cayetano sa isang komosyon.

“Pumayag na si SILG sa pag-uusap pa lang namin. Bababa kami para i-escort lang siya sa labas,” ani Marcoleta.

“Hindi man lang kami pinagbigyan. Sinigawan nang sinigawan si Senate President. Bakit naman ganoon ang naging pagtrato? Parang minaliit kami,” dagdag pa niya.

Patungkol naman sa hindi pagdalo sa sesyon sa Senado, sinabi ni Marcoleta na: “Hindi ako nagpo-protesta. Ang damdamin ko kahapon ang namayani dahil bakit ganito na ang pagtrato sa amin? Minaliit kami masyado… Hindi collective decision.”

Dismayado umano siya sa minority senators sa hindi pagsuporta sa kanila nang aarestuhin na si Senador Jinggoy Estrada.

“Wala man lang pinakita na protesta… 24 kami, dapat walang iwanan. Ang Presidente ng Senado dapat igalang. Meron ba isa sa kanila nagsabi sa SILG na huwag ganoon?”

Matatandaan na hindi dumalo ang mga miyembro ng majority bloc sa plenary session kasunod ng pagkakaaresto kay Estrada.

Nagdulot ito ng pagkaantala ng ilang mga panukala na dapat sana ay tatalakayin sa naturang sesyon dahil ang mga miyembro lamang ng minority bloc ang nagtungo sa session hall ng alas-5 ng hapon nitong Lunes.

Ani Marcoleta, nanatili siya sa Senado ngunit piniling hindi dumalo sa sesyon.

Binatikos din niya ang presensya ng mga spectator sa Senate gallery na nag-display ng banner na sumusuporta para sa Senado.

“Paano ka naman masisiyahan na pumunta roon? Ang nandoon sa gallery mismo, na reserved sa mga dignitary… Dapat walang ganito. Inimbita nila mismo ang mga iyon. Ano bang gusto nilang palabasin? Ang Senado sa kanila?” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here