MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) laban sa pagbili o paggamit ng hindi rehistrado at pekeng gamot, suplemento, kosmetiko, at medical devices.
Ayon sa FDA, ang mga produktong ito ay hindi dumaan sa tamang pagsusuri kaya maaaring magdulot ng sakit, tulad ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, pagtatae, at matinding pagdurugo.
Ayon sa mga awtoridad, palatandaan ng pekeng produkto ang sobrang murang presyo, maling spelling sa label, pagkakaroon ng foreign language sa packaging, at mabilis mabulok o madurog na tableta.
Pinapayuhan ang publiko na bumili lamang sa lisensyadong botika o awtorisadong tindahan at suriin sa FDA verification portal ang bawat produktong bibilhin. RNT/MND