Home ENTERTAINMENT Dia, wagi sa Reina Hispaniamericana; Winwyn, ‘kinutuban’!

Dia, wagi sa Reina Hispaniamericana; Winwyn, ‘kinutuban’!

Manila, Philippines- Reina Hispanoamericana 2017 Teresita Ssen “Winwyn” Marquez “predicted” the victory of Dia Mate, this year’s winner of the same title.

Sa Instagram Stories, kinongratyuleyt ni Winwyn si Dia.

Dia bested 24 other candidates at the pageant held in Santa Cruz, Bolivia.

Siya ang ikalawang kinatawan ng Pilipinas to have won the title.

Kinutuban na pala ang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez na iuuwi ni Dia ang korona.

Aniya: “Nu’ng pag-uusap lang namin, I knew she was gonna win!”

Noong coronation night, inirampa ni Dia ang kanyang sultry gold gown mula sa disenyo ni Rian Fernandez.

Ipinagkaloob din kay Dia ang Best in National Costume award designed by Ehran Montoya.

Inspired ‘yon ng mga baroque churches sa bansa.

Kinabog ni Dia ang kanyang mga kalaban sa kanyang sagot na “kindness” na aniya’y mahalagang katangian for a better world to live in.

Batay ang kanyang sagot sa naging karanasan niya sa mga mamamayan ng Bolivia na bagama’t magkaiba ang lengguwahe’y pinagbubuklod naman ng pananampalataya sa Diyos.

Obyus na sinunod ni Dia ang payo sa kanya ni Winwyn na huwag ma-insecure sa mga Latina na nakapalibot sa kanya.

Samantala, sa darating na May ay kakatawanin ni Winwyn ang Muntinlupa City sa 6th Miss Universe Philippines.

Taong 2015 nang sumali sa Binibining Pilipinas si Winwyn where she finished Top 15.

That was the year when Pia Wurtzbach won the title, was sent to the Miss Universe and emerged victorious. Ronnie Carrasco III