THE HAGUE, Netherlands – Iginiit ng International Criminal Court (ICC) prosecutors na si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay kayang dumalo sa pagdinig sa confirmation of charges para sa umano’y crimes against humanity sa kanyang war on drugs, matapos ituring ng isang panel ng mga eksperto na siya ay fit for legal proceedings.
Ayon sa dokumento ng Office of the Prosecutor, si Duterte ay tinuring na “unreliable historian” ng kanyang kalusugan at mental na kakayahan, at nakitang may kapasidad siyang maunawaan ang mga paratang at ebidensya, at makapagbigay ng instructions sa kanyang mga abogado.
Ang ICC ay nag-utos ng medical evaluation matapos humiling ang depensa ng indefinite adjournment noong Agosto dahil sa kalusugan ni Duterte.
Bagaman tinutulan ng depensa ang findings, sinang-ayunan nila ang mga rekomendasyon para sa pag-accommodate sa kalusugan ng dating pangulo.
Ayon sa depensa, si Duterte ay may limitadong short-term memory, kaya mahirap para sa kanya na tamang masuri ang ebidensya o magbigay ng instructions sa kanyang abogado, at humihiling ng evidentiary hearing upang suriin ang ebidensya ng eksperto.
Nanawagan ang mga prosecutors na maipagpatuloy agad ang pagdinig sa confirmation of charges. RNT/MND