Home HOME BANNER STORY Digong: Walang nangyaring gentleman’s agreement sa Tsina

Digong: Walang nangyaring gentleman’s agreement sa Tsina

DAVAO CITY – Itinanggi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang “gentleman’s agreement” sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS) sa kanyang termino.

Sa isang late-night press briefing noong Huwebes, Abril 11, ay sinabi niya na ang pagkakaroon ng “gentleman’s agreement” ay hindi kasanayan ng pangulo.

“There is no agreement, as is where it is,” aniya, at idinagdag na walang sinuman sa Pilipinas ngayon, maging sa Korte Suprema, Panguluhan, o Kongreso, ang maaaring pumayag sa anumang bagay tungkol sa mga teritoryo.

Idinagdag niya na ang tanging naalala niya nang makausap niya si Xi Jinping, ang Pangulo ng People’s Republic of China, ay ang status quo order, na nagsasaad na ang mga armadong patrol ay hindi makikitang gumagalaw sa mga teritoryo ng WPS upang maiwasan ang tensyon at digmaan.

“That’s what I remember. If it were a gentleman’s agreement, it would always have been an agreement to keep the peace in the South China Sea,” ani Duterte.

“I will be expressing more [in the coming days] because I just received all documents of Malacañang about foreign policy. Kakakuha ko lang ngayong gabi, and I want to review all the agreements that we entered by the defense department and me,” ani Duterte.

Naalala niya na noong pumunta siya sa China at nakausap ang Pangulo, binuksan niya ang tungkol sa “bahagi ng China Sea na pag-aari ng Pilipinas.”

“There is a part of the China Sea that belongs to the Philippines; I just want to let you know. I will get the portion that belongs to the Philippines. Xi Jinping answered, do not do it. We are friends, and I do not want to destroy the friendship; it would mean trouble,” ani Duterte.

Pagkatapos aniya ng pag-uusap, iniwasan nila ang kontrobersiya at iniwasan ang isyu ng pagpasok ng Pilipinas sa mga hindi inaangkin na teritoryo para kumuha ng mga mineral at lahat. RNT